Sino si Geoffrey Chaucer Answer: Si Geoffrey Chaucer (c. 1343 – 25 Oktubre 1400), kilalá bílang Ama ng Panitikang Ingles, ay malawakang itinuturing bílang pinakamahusay na makatang Ingles ng Gitnang Panahon at ang kauna-unahang makata na inilibing sa Poets Corner ng Westminster Abbey. Nakamit niya ang katanyagan noong buháy pa siya sa pagiging manunulat, pilosopo, at astronomo, sa pag-akda ng siyentipikong tratado sa astrolabe para sa kaniyang sampung taóng gulang na anak na si Lewis, napanatili rin ni Chaucer ang aktibong tungkulin sa serbisyo sibil bílang burukrata, kortesano at diplomatiko. Kabílang sa marami niyang akda ang The Book of the Duchess, The House of Fame, The Legend of Good Women at Troilus and Criseyde. Higit na kilalá siya ngayon dahil sa The Canterbury Tales. Si Chaucer ay naging mahalaga sa paglinang ng pagkalehitimo ng bernakular, ang Gitnang Ingles, noong panahon na ang namamayagpag na wikang pampanitikan sa Inglatera ay Pranses at Latin. Búhay Si